Usong uso ngayon ang Spicy Noodle Challenge at madami ng sumubok nito kahit ang mga kilalang personalidad.

Kamakailan lang ay nagviral ang video ni Barbie Forteza matapos nitong subukan ang napakaanghang na Samyang Noodles.

Simple lang naman ang challenge – maghanda ng isa o dalawang pakete ng Samyang Spicy Chicken Roasted Noodles at ubusin ito ng mabilis.

Walang arte-arteng kinain ni Barbie ang Samyang Noodles, noong una ay parang wala lang ito sa kanya…

Ngunit ng maubos na nya ang noodles, dito na naramdaman ni Barbie ang matinding epekto nito sa kanyang bunganga.

Madaming natuwa sa naging reaksyon ni Barbie, ngunit hindi talaga inaasahan ng marami na mapapaungol siya sa anghang. LOL!

LEAVE A COMMENT